Near Death Experience

..at ni-tag ako ni yanah…kala ko kung ano na ung tag, xensya na po bago lang sa mundo ng blog, hehehe…

….at nag isip pa ang langya, 1 week na yata nakaraan nung ni-tag ako ni yanah , hanggang ngayon wala pa rin akong maalala, ang tutuo nga yata eh di pa ako umabot sa ganung sitwasyon…magkasakit, aksidente o sadyaing makita ang mundo ng mga taong nakalimutang huminga…kasi naman ni sa panaginip hindi ko ninais na kalimutang huminga, ewan siguro tama ung sabi nilang ‘Habang may buhay may pag asa’ … Ay!!!Meron pala, nyahahaha…naalala ko bigla, pero aksidente un eh…

Riders pa ako nun, naks…ung mga lumilipad habang nakasakay sa bmx 🙂 … at pasirko sirko at kung minsan pa eh gumugulong sa pader…Isang gabing pagkatapos magpractice ng barkada eh uwian na, syempre gutom…gala muna ako at hanap ng mabibilhan ng siopao..dun ako syempre sa main road para maraming nakikitang tao, langya kakalingon di ko napansin ung butas, maliit lang naman pero anjan na eh…nasa harap ko na, bago pa man ma shoot sa butas ung gulong ng bike ko, lumagpas ang isang napakalaking sasakyan, kala ko kung ano…Victory Liner lang pala, Hehehe, Victory Liner?!!! Buti n lang nakalagpas na nung mashoot ung gulong ko sa butas, sira na ang bike ko, sira pa pati kutis ko 🙁 … duguan ako nun kala ko walang tutulong eh, may lumapit na matanda, tinulungan ako at tinanong, Boy, nasaktan ka ba? … gusto ko kayang sapakin, kita nya nang duguan ako, magtatanong pa…

Nung nakauwi ako sa bahay, oo….nakauwi pa ako, sa akin nga lang nakasakay ung bike at hindi ako ang nakasakay, 😀 … dun ko naisip, kung nauna una ako sa Victory Liner, siguro isa na ako sa mga tangang hindi humihinga, buti na lang mabilis ung Victory Liner 😀 …

Xensya na wala talaga ako maalala, 😀

Sabi kelangan ko raw ipasa sa iba to, eh wala nga akong kilala sa mundo ng blog…paano?!!! Tag ko kaya sarili ko uli? nyahahaha…. wag na, wala nga ako maalala eh….
ADVERTISEMENTS

Comments

  1. yanah says

    nyahahahahaha finally! nag update na rin! hehehe.. diba nga kasi pag mga motor eh talaga… madisgrasyahin.. buti na lang hindi malala nangyari sayo..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *